Wednesday, September 22, 2010

MOVING ON...???

MOVING ON??? its the hardest thing to do ryt?? lalo na kung mahal na mahal mo sya??
or
MOVING ON?? is the only thing you can do just to make him/her happy..

There are things in life that you want to save yet you don't know what to do..
things that make you happy yet will make him/her feel hell..
sometimes its not enough that you love him/her.. lalo na kung ikaw na lang ang nagmamahal..

yah,.. right!! masakit!! sobrang sakit yung pakiramdam na gusto mo pang isave ang relationship yet ayaw nya na.. tama?? mahal na mahal mo kasi e.. MAHAL MO KASI!!!

kahit ipinagtabuyan kana..at sinabi sa harap at sa pagmumuka mo na "AYOKO NA!! JUST LET ME GO!!"ang hirap..

at magtatanong ka nalng sa sarili mo "SAN BA AKO NAGKULANG??"

it is so damn hell to dump by the one you really love, the one you offer your life, and your reason why you want to wake up each day.. which turn to be the one you don't know at all..

ang drama ko na ata!! hahaha.. nope!! just stating the fact..!!

in LOVE,..you should learn when to stop!! and accept the fact that its over..( by m.c Duane)
and learn to move on when you know there is no reason to stay.. because even if you have thousands of reason to stay and she/he has one,.that reason would enough for you to realize that its time to let go.. BECAUSE SHE/HE DON'T WANT YOU OR WORST DONT LOVE YOU ANYMORE...


base sa aking pinagdaanan..(hahaha sana makatulong kahit medyo weird...) maybe it could help you or give you an idea on how to move on..

FIRST:
cry and cry until there's no more tears na mailalabas.. yung tipong pagang paga na ang mata mo at ang sakit sakit na ng gilid ng ilong mo kakapunas ng sipon.. at hindi kana halos makahinga sa pag hikbi sabay sabing.. P*T*N* I** NYA.. minahal ko sya tapos gaganitohin nya kong H*Y*P sya... ilabas mo na lahat ng galit mo sakanya!!! gumamit ng displacement kung kinakailangan..
at pagkatapos ng lahat ng paghikbi... moving on sa second stage.. hahaha!! leveling ba ito?? haha

2ND
uminom kung nagiinom.. at kung hindi namn wala namang masama itry.. kasi diba minsan.. when your drunk.. doon mo mas nailalabas ang nararamdaman mo.. yung halos maglupasay ka at halikan mo na ang bowl sa C.R nyo.. hahaha..( girls: just make sure na ang kasama nyo ay hindi nagsasamantala.. kung pwede din naman mas ok kung puro babae.. pero kung may kaibigan kang lalake siguraduhin mong mapagkakatiwalaan at kilala nyong lahat.. ok??!!! kaya kahit tumulo man or makita ang hindi dapat makita eh safe kapa din..hahahaha

guys: hahaha.. dito ako natawa.. ahahah makipaginuman ka dun sa mga barkada or tropa mong siguradong iuuwe ka sa bahay nyo at hindi ka papahigain or iiwan sa kanto at don ka papatulugin.. hahaha.. ok??? priority is your safety... tae na!! miserable ka na nga ipapahalata mo pa ba sa iba.. haha.. masarap din yung pakiramdam na malasing ka.. parang nasa heaven pala yung pakiramdam!!! hahaha nasasabi mo ang gusto mong sabihin.. at napapenglish ka ng wala sa oras... hehehe... ok lang kahit masakit parin ang puso at ulo mo sa hang over.. hindi matatawaran ang sandali na nakalimutan mo kahit papano ang sakit.. ang importante nasabi mo lahat, may nakinig sayo at sigurado may nagbigay ng Advice sayo...

PANGATLO:
Alam ko masakit tanggapin ang katotohanan na OO!! WALA NA! TAPOS NA!! ITS OVER!! WALA NG KAME!!
pero the important thing is you accept the reality... you accept the things that hurt you the most.. kahit pa hindi mo alam kung san ka magsisimula... dahil sa bawat umaga na gumigising ka ay parte sya ng taon, buwan, linggo, araw, oras, minuto at segundo ng buhay mo.. ang sakit!!! tama??!!!! hehehe...masakit talaga... tapos iiyak ka nalng ulit ng iiyak hanggang sa mapagod ka... cycle lang yan e... iiyak---> magiisip---> iiyak ulit---> TAMA NA PLEASE............(YAH!! MAHIRAP YAN I KNOW.. it takes time... pero atleast itry kung kaya!!!)
tanggapin ang katotohanan na wala na, hindi na maibbalik ang kahapon na nagdaan na naging masaya kayo..nung KAYO PA!!

madalas ang tanging paraan para magawa ang bagay para sa ikakabuti mo ay tanggapin ang katotohanan na ang bagong simula ang kailangan mo...

PANGAPAT:
Gawin mo ang bagay na ginagawa mo nung hindi pa kayo, yung mga bagay na nagpapasaya sayo..
ano-ano ba yun??? hahaha kung ang iyong linkod ang tinatanong... (basketball,volleyball,badminton,magjogging, tumambay, kumain, at makipagkarera, puntahan ang mga lugar na paborito ko,) or subukan mo din pumunta sa mga lugar na hindi mo pa napupuntahan.. gawin ang mga bagay na gusto mong gawin nung kayo pa pero ayaw nya,.. hahaha!! ang saya kaya!! magboxing!! kawawang punching bag.. hahaha!! at matulog ng bonggang bongga, at syempre tipid ka din sa load.. hahaha!! kuripot!!!..

PANGLIMA:
alam ko masakit itapon ang mga bagay na nagpapaalala saknya, mga bagay na sumisimbolo sa pinagsamahan nyo... mahirap diba?? lalo na pagmahal!! haha kidding aside.. if you really want to move on.. let go of the past.. itapon ang dapat itapon.. sunugin ang dapat sunugin.. at ibenta ang dapat ibenta.. wahaha.. kumita kapa!!! business minded tayo kahit in pain.. hahaha.. wag mo ng itago yung mga bagay na magpapaalala sa kahapon... tapos na yun e.. wala na.. mas masasaktan ka at for sure aasa ka pa na sana bumalik na sya.. sinasaktan mong literal ang kawawang hypothalamus mo...(part of the brain that responsible for our emotions!!) heart is just a pumping station of the blood!!!

sometimes being brave will lead you to better tomorow.. maniwala ka!!!

PANGANIM:
naniniwala ako sa kasabihang prayers can move mountain... magdasal ka pare.. sabi nga ni (M.C DUANE) Isumbong mo lahat kay papa lord.. iiyak mo sakanya lahat.. sabihin ang mga gustong sabihin.. at IPAGPASA DIYOS lahat lahat.. dahil alam natin.. sya ang mas nakakaalam ng mas mabuti para satin.. andyan sya palagi.. papakinggan ka nya kahit para ka ng sirang plakang paulit ulit sa sintimyento ng buhay mo.. hehehe... kasi kahit mga kaibigan natin napapagod din yan pag paulit ulit! (aminin!!) hahaha.. pero si bro, HINDI AT NEVER!! proven and tested... AMEN!!!! let god lead your way..

PANGPITO:
eto ang literal kong naapply sa sarili ko.. hahaha..sana makatulong!! try to be a better person everyday... as in araw araw... kung sa tingin mo may mga pagkakamali kang nagawa ngayung araw meron ka naman bukas para magbago...subukan mo!! hehehe.. theres no harm in trying...

eto pa: magaral ng mabuti.. yung tipong aral talaga.. hindi yung---> pasok-->attendance-->dota--->bisyo--->uwe bahay... laging isaisip na napaka swerte mo at isa ka sa nabiyayaan na makapagaral.. madami dyan nagpapakamatay mapunta lang sa posisyon mo... isipin mo at gawing inspirasyon ang mga magulang naglulumuhod mapagtapos ka lang ng pagaaral... DIPLOMA ang pinakamasarap ibigay na regalo sa mga magulang mo.. (makakapag pagawa ka nyan sa university of recto.. oh kung saan pa man.. pero ang kaalamang tunay kang nakatapos ay napaka laking karangalan..!! na pwedeng pwede mo ipagmalaki sa ibang tao..

hehehe.. magpaganda kung satingin mo ay hindi kana pinapansin ng mga taong nakakasalubong mo.. kung dati na may karelasyon ka ay hindi kana napapansin dahil hindi kana masyado nagaayos, ngayon.. magshopping at bumili ng kolorete kung kailangan, damit pang porma, at kung ano ano pang magpapaganda or magpapapogi sayo... simple pero totoo..!!!LOVE YOURSELF!!!!!!!!!

gawing inspirasyon ang mga pinagdaanan mo.. hahaha.. masarap isampal ang diploma at lisensya sa taong satingin mo ay sumira ng buhay mo!! hahaha.. pero hindi... dapat magpasalamat kapa na sinakatan ka nya at iniwan dahil kung buhay pagibig.. mas maraming pinto ang magbubukas at magbibigay na magagandang oportunidad sayo..


AT HULI...
maging masaya ka para sakanya... kung may iba na sya at ikaw ay UMAASA PA.. pilitin mong maging masaya.. im sure magBBREAK DIN SILA!!! HAHAH serious na nga...wag pairalin si BITTER OCAMPO!! NAKAMAMATAY!! HEHE isipin mo nalang na it is for his/her own good..
always look both side of the story.. kung nasasaktan ka pa din dahil pakiramdam mo ang bilis bilis ka nyang napalitan..normal lang yan.. at syempre!! masasaktan ka na naman... oo alam ko masasaktan ka.. wag madaliin ang mga bagay bagay sa mundo.. kasi kung minsan pag masyadong mabilis hindi makakapit.. you know what i mean?? hahaha.. kung baga eh.. mas marami pang problema ang dadating sayo kung padalos dalos ka... lagi kong sinasabi na SI MR/MS RIGHT natraffic lang pero for sure.. darating sya sa oras na masasabi mo sa sarili mo na.. im ready to love again... ANDYAN LANG SYA... RELAKS..





masakit sa masakit pero when you learn to let go and move on.. mas masarap harapin ang bagong bukas...


sana may napulot ka kahit konti.. hehehehe....

No comments:

Post a Comment

fashionisthebestmedicine