Tuesday, September 14, 2010

hey! hey! hey!! its been a year since last ako nagpost ng blog dito...buhay ka pa pala!!

pano ba magsisimula dito??? ehemp... hirap magisip ha.. HhHhEeEelLlLlPpPp!!!!

Well eto na nga..,

i was inspired by one of the hottest M.C ngayon hahaha !!!.. nabasa ko halos lahat ng blog nya at talaga naman ang dami kong natutunan... gumagawa na ko ng mga kaka'twang sulatin na ako lang ang nakakaintindi!! haha!!

OK GAME ETO NA.... slur! slur!

Minsan ba sa buhay mo gumawa ka na ng napakaraming katangahan??


(well! well! well! perpekto ka kung hindi!!!)

lalo na sa love?? wow!! madalas yan... maraming tao dyan mahina!!! mahina ang puso isabay mo na ang utak!!! ( OoOpPpSss DI ko sinasabing bobo ka ah.. walang ganon pre!!!


Masyado bang mataas ang PRIDE mo at sa sobrang lutong hindi mo na malunoK.?
Marami satin ganyan, mawala na ang pagibig wag lang matapakan ang pinakamamahal nilang PRIDE??{ (matanong ko lang nakakabusog ba yan???)

nasa sitwasyon kaba na kahit sobrang miss mo na e kahit simpleng txt di mo magawa HAHAHA UNLI KA namn... antay ka ng antay ng txt tapos mababadtrip ka pag tunog ng CP mo expected mo sya....!!!! un pala advisory lang ng network ng simcard mo.... promo! ringtone! ringback! MP3?! MMS ng favorite artist mo?? at kung ano2 pa...


*Ikaw ba yung tipo na lagi gumagawa ng move para magwork ang relationSHIT nyo!! at purgang purga kana kakaexpect sa kanya???

*Ikaw ba yung tipo ng GF/BF na kahit kasalanan mo na aantayin mo pa din sya na suyuin ka?

*at marami pang sitwasyon na hindi magkatugma ang mga mood nyo at ang resulta ay hindi na kayo nagkakaintindihan.


marami pang pangyayari na minsan PRIDE nalang ang magsasalba sayo para hindi ka makagawa ng mas marami pang kapalpakan...

mga kapamilya, kapuso, kapatid, kabarkada...

eto naman ay opinion ko lamang...


PRIDE is one of the most BLAMED IF THE RELATIONSHIP DID NOT WORK...

BAKIT???? haha madalas yan ang tanong ng karamihan... hanep na ego yan..kung ikakayaman ng bansa malamang sa malamang numero uno tayo dyan!!!

dapat mga mare, pare,.. level lang.. gitna lang kung baga.. sabi nga "LAHAT NG SOBRA MASAMA" AT( "LAHAT NG SUMOSOBRA SUMASAMA!!") sabi ko lang yan!! ahaha


pare koy, baka naman masyado ka ng masaya at dahil sa alam mo na mahal na mahal ka e lagi nalng sya, yun tipong lantarang kasalanan mo naman talaga e wala kang kabalak balak na gumawa kahit katiting ng effort lang!!. WAG GANON!! lalo na kung kilalang kilala ka bilang ASTIG!! MATINIK SA CHIKS,habulin ng BAKLA, at kung ano-ano pang pwedeng humabol sayo., yun bang alam ng mga barkada, kaibigan, tropa, kaberks, kaclick at kung ano ano pang tawag sa mga nakakasama mo na kahit alam na alam mo sa sarili mo na hindi ka matitiis e aabusuhin mo..


KAAWA AWA!!! dahil ba natatakot ka sa sasabihin ng mga nakapaligid sayo??? dahil ba sa papanget ang pinaka mabango mong imahe?? na malayong malayo naman talaga sa totoong ikaw?? ETO lang ang masasabi ko sayo PARENG ABUSADO, napakasakit sa isang may karelasyon kung ginagawa ang part nya pero ikaw gingawa mo lang syang pabango ng imahe mo, pandagdag sa koleksyon mong hindi na mabilang sa sobrang dami????...

ang sakit non..

simple lang.. hindi nasusukat sa pagiging astig sa paningin ng iba ang tunay na pagkatao mo at kung talagang sino ka..minsan nakikita kung pano mo irespeto ang mararamdaman ng ibang tao lalo na ang kapareha mo.. its time to grow up!! hey! hey! are you ok!

pinasok mo ang isang relasyon na dalawa kayo,.. so meaning dalawa kayo!! as in TWO!!! Wag palaging sya.. nakakapagod din yon iho, iha, walang masamang magexpect lalo na kung iyon ay parte ng obligasyon at responsibilidad nya.. pero beyond that wag mo naman antayin na wala ng maibigay sayo yung tao kahit nga yung pride nya pinagduldulan na sayo.. เคจ WASH OUT na!!! minsan kasi sa sobrang kakaisip kung pano ka masusuyo kahit muka na syang tanga.. sakanila, sainyo.. masaya ka pa nakikita yun.. learn to do your part din, and learn when to stop!! be sensitive naman.. hahahah!!!!!!!!


(hindi lang puro si EGOng MALUTONG ang topic dito!)hehehe..


wag kana lang pumasok sa isang comitment na sa una palang wala ka naman magagawang mabuti para sakanya at sa sarili mo,, sakit mo sa BANGS!!! kung puro payabang lang ang alam mo wag ka ng mangdamay.. kawawa e.. hahaha

eto pa... sa isang banda!!!

wag natin isisi lahat sa pride mo kung bakit miserable ka.. sisihin mo sya kung sya talaga may kasalanan.. meron kasing instances na BINIGAY MO NA LAHAT NG PWEDE MONG IBIGAY.. PRIDE NALANG MERON KA IBIBIGAY MO PABA?? masakit kasi yung lahat ng pwede mong gawin nagawa mo na, lahat ng pwede mo ibigay binigay mo na, at lahat ng pagmamahal mo sa sarili, pamilya, kaibigan mo ibinigay mo na e kulang na kulang parin?? masakit diba? lalo na kung sa lahat ng maabot ng pangunawa mo ay inintindi kahit naman its not meant to be understood e gagawa ka pa din ng rationale kung bakit.. ang saklap! at ang gulo! na halos lahat na ng defense mechanism sa mundo nagamit mo na.. hahaha... learn to save a little of it for your self, kasi pag lahat ng meron ka binigay mo at SAID NA SAID KANA.. ang hirap magmove on at tanggapin ang katotohanan na may gustong gusto kang bagay sa mundo na hindi nakukuha ng prayer at hardwork..


... ang gusto ko lang ipunto ay.. save something from yourself, ung hindi nabibili pero kahit nakukuha may natitira pa kahit konti... para kung dumating ang panahon kaya mo na ulit tumayo at bumalik. mas matatag mas matibay at mas kaya mo ng harapin kahit anong dumating sayo na hindi ka malulumpo.. you know what i mean.. hehehe.. yakang yaka mo na.. walang masama ibigay ang lahat dahil basihan din yan kung gano mo sya kamahal o pagpapakita ng pagmamahal.. un nga lang may hangganan nag mga bagay bagay.. at hindi porke binigay mo na lahat ay sasapat na yun para mahalin ka o makukuha mo ang gusto mo.. kaya dapat.. level kung level... learn to weight things ok??.. para magkamali ka man medyo mild lang.. hehehe




sana may napulot ka kahit kapiranggot... salamat sa pagbabasa........ godblees us!!!

No comments:

Post a Comment

fashionisthebestmedicine